posted by
darkknight in December 24th, 2007 | 896 views
- May pera sa blogging. Kung nakita mo yung feature ng Mel and Joey sa mga successful bloggers dito sa Pilipinas, ini-report nila doon na kumikita si Yuga ng mahigit $5000 kada-buwan, tumataginting na P200,000 piso. Kita na yan ng isang tipikal na mangagawa sa buong isang taon.
- Walang magawa. Maraming Pilipino sa ngayon ang gumagamit ng Internet at nakaka-dalawa hanggang walong oras araw-araw sa pagi-invite at pag-aaccept ng mga kaibigang ‘di naman talaga kakilala sa Friendster, sa pagch-check ng e-mail sa Yahoo at GMail, sa paglalaro ng mga Online Games, sa pakikipag-away sa mga forums, pagbabasa ng mga tsismis, pagda-download ng mga torrents, pakikipag-chat sa mga kaibigan, at kung anu-ano pa. Bakit hindi gamitin ang Internet upang kumita ng pera?
- Paghamon sa nakagawian. Hindi conventional na pinagmumulan ng pagkakakitaan ang blogging. Sa katunayan, maraming Pilipinong blogger pa rin ang magsasabing secondary source of income lang ang blogging(ika nga nila, they have a day job, and a blog job). Kung magre-resign ka sa trabaho dahil gusto mong mag-blog, marahil sangkatutak na mura ang aabutin mo mula sa iyong magulang (at syota). Ang pagb-blog ay isa sa mga paraan ng pagsasabing ayaw mong maging empleyado ng sino man, at walang makapagdidikta ng takbo ng iyong buhay maliban sa iyong sarili.
- Pakikipagkapwa. Maraming pagkakaibigan (sa totoong buhay) ang nabubuo sa pamamagitan ng mga online blogging communities. Marahil pamilyar ka na sa salitang Eyeball or EB. Pag sikat na itong BlueMumble o BM, pwede na tayong mag-EB.
- Madali lang ang mag-blog. Kung marunong kang magbasa at magsulat, madali lang dapat para sa’yo ang mag-blog. Pagpili sa paksang susulatin ang talagang mahirap.
- HINDI ITO SCAM. Di gaya ng Francswiss o kung anu-ano pang HYIPs(High Yield Investment Programs). Hindi mo kailangang mag-sugal ng pera, at walang kikita sa pera at oras na ibibigay mo sa iyong blog maliban sa iyong sarili.
- Pagpapakilala ng sarili. Marami sa blogs ngayon ang nagsisilbing plataporma ng marami para ipakita ang kanilang kagalingan sa musika, pulitika, entertainment, at maging sa pagbibiro at pagku-kwento ng mga personal na pangyayari sa kanilang buhay.
- Maaari mong pagsabayin ang pagb-blog at ang kasalukuyan mong trabaho. Hindi mo kailangang mag-resign. Ano pa nga ba’t karamihan sa mga probloggers(mga naging primary job na ang pagb-blog) ngayon sa Pilipinas ay nagsimula habang may mga kanya-kanyang trabaho pa sila. May mga programmer, call center agent, sales people, photographer, fashion designer, volleyball player, pet shop owner, banker, accountant, lawyer, at artista na ngayon ay nagb-blog habang tinatahak pa rin ang landas ng nakasanayang trabaho.
- Hindi namimili ang blogging. Walang edad, kasarian, relihiyon, paaralang pinasukan, at kalagayang medikal sa blogging. May blogger na 14 years old lamang, at kumikita ng higit sa $1000 sa isang buwan. Mayroong mga walang pinag-aralan at hindi matatanggap kung maga-apply sa mga kumpanya, pero hindi naman kailangang maga-apply sapagkat sapat na ang perang kinikita sa pagb-blog sa buong pamilya. Sobra pa. Sa blogging, pantay-pantay ang oportunidad. Nasa kakayahang mag-isip ng bago ang pinagtatalunan.
- Walang hirap tumanggap ng bayad mula sa Google Adsense. Makukuha mo na ang Adsense Payments mo pagkatapos lamang ng 24 na oras, kumpara sa 1 hanggang 3 buwang paghihintay dati sa pamamagitan ng tseke.