Just saw Parokya ni Edgar perform at ASAP today, at gaya ng mga past live performances nila, eto at binaboy(paumanhin) na naman nila ang isa sa bago nilang kanta. Nakakatawa dahil binigyan na nga sila ng chance to sing ng maraming nanonood, pero mukhang hindi pa saulo ni Chito yung sarili nyang kanta. For those who are interested, here’s the lyrics of their new song Akala. Ok naman pero di ganun kalakas ang dating gaya ng dating songs nila.

Parokya ni Edgar – Akala Lyrics
akala ko iced tea yun pala beer
akala ko reverse yun pala second-gear
akala ko kasya yun pala hindi
akala ko tama yun pala mali

akala ko hip-hop yun pala metal
akala ko batis yun pala kanal
akala ko toothpaste yun pala glue
akala ko verde yun pala blue

akala ko tsinelas yun pala sapatos
akala ko umabot yun pala kapos
akala ko bukas yun pala kahapon
akala ko mamaya yun pala ngayon

akala ko alam ko na ang lahat
ng dapat kong malaman
ngunit mali na naman
pero okay lang yan

wag kang matakot na baka magkamali
walang mapapala kung hindi ka magbakasakali
dahil lumilipas ang oras
baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

akala ko chicken yun pala asado
akala ko bukas pero yun pala sarado
akala ko mansanas yun pala banana
akala ko meron pa yun pala wala na

akala ko foreign yun pala pinoy
akala ko blackjack yun pala pusoy
akala ko talo yun pala panalo
akala ko si chito yun pala ako

akala ko dati walang mangyayari
akala din nila ngayon wala silang masabi
akala ng lahat mapapagod din ako
mabuti na lang matigas ang aking ulo

akala ko walang mapupuntahan
kahit na paghirapan ngunit mali na nama
kung di ko sinubukan sanay hindi ko na nalaman
edi na sayang lang

wag kang matakot na baka magkamali
walang mapapala kung hindi ka magbakasakali
dahil lumilipas ang oras
baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

wag kang matakot na baka magkamali
walang mapapala kung hindi ka magbakasakali
dahil lumilipas ang oras
baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

Technorati Tags: , , ,