Matagal din bago ako nakasulat ng isa pang artikulo sa wikang Pilipino. Palagay ko, isa na ito sa pinakamaganda kong pwedeng sulatin sa ngayon, bilang isang car owner din—paano tayo makakatipid sa konsumo ng gas at krudo? Susubukan kong ilagay dito ang lahat ng aking alam na paraan para sa pagtitipid ng gas.

1. Huwag masyadong diinan ang accelerator. Tapakan lamang ito ng kaunti at sapat para tumakbo ang sasakyan. Iwasan ding mag-accelerate ng sobrang bilis.

2. Magpatakbo ng mas mabagal sa speed limit ng tollway. Mula sa aking karanasan sa pagpapatakbo ng sasakyan, 80km/h and tamang takbo upang hindi makasagabal sa daloy ng trapiko at makakuha ng pinakamaraming kilometro mula sa iyong gas.

3. Laging magpa-full tank, kung kaya ng pera. Dahil tumataas ang presyo ng gas halos kada linggo, malaki ang matitipid mo kung maaga kang bibili nito.

4. Panatilihin ang tamang tire pressure. Ang karaniwang gulong ng isang kotse o sedan ay may 30 psi ideal tire pressure. Magbigay ng oras para dito lalo na kung ikaw ay magpapa-gasolina.

5. Ipa-tune up lagi ang kotse. Papalitan ito ng air filter, oil, oil filter, at air-con filter, sa tamang schedule. Hindi lang konsumo ng gas ang maaari mong maibsan dito—mapapatagal mo pa ang buhay ng iyong makina.

6. Huwag gumamit ng air con kung di kailangan, lalo na kung umaga at maging sa gabi.

7. Panatilihing malinis ang loob at labas ng sasakyan. Alisin ang mga gamit sa trunk na hindi naman kailangan. Ang dagdag na bigat ay nagpapahirap sa makina at nakakapagpataas ng konsumo ng gas.

8. Kung nag-iisa rin lang babyahe, huwag ng gumamit ng kotse. Kung malapit lang ang pupuntahan, maglakad o mag-bike na lamang. Kung malayo naman, gumamit ng pam-publikong sasakyan o kaya ay maki-car pool o makisabay sa mga kakilala.

Iyan muna sa ngayon. Habang nagtatagal, magdadagdag pa ako ng ilang pamamaraan para mapababa ang ating gastusin sa gas at krudo.

Technorati Tags: , ,