Dito, tuturuan kitang gumawa ng sarili mong blog. Madali lang, basta’t hindi ka maiiyamot, at magtatanong ka kung mayroon kang hindi naintindihan. Marahil napansin mo ng may katumbas na guide ito sa Ingles, kaya para saan pa ito? Naisip ko kasing gumawa ng parehong guide sa wikang Filipino. Iyong mas simple. Iyong mas maraming makakaintindi. Sa katunayan, gagawin ko lamang apat na artikulo ang sampung guide na iyon na nasa Ingles.
Inaasahan kong nabasa mo na yung nauna kong naisulat: “Magsimulang Mag-Blog.” Kung hindi pa, kung maaari’y pakibasa muna. Higit iyong mas mahalaga kaysa dito.
Meron ka ng paksa na pagsusulatan ng blog. Sa palagay mo, maraming mambabasa kang mahihikayat na bisitahin ang blog mo. Ang sunod mong kailangan ay ang domain name, o pangalan ng iyong website. Bilang halimbawa, ang domain name ng website na ito ay BlueMumble, o www.bluemumble.com. Tatlong bagay ang kailangan mong isa-isip sa paggawa ng iyong domain name. Una, kailangang may hawig ito sa paksa na gusto mong isulat o yung tinatawag na keyword, gaya ng www.yugatech.com na tungkol sa teknolohiya. Pangalawa, importanteng madali itong matandaan, basahin, at isulat. Kailangang hindi malito ang mga magi-Internet sa pag-access ng website mo. Halimbawa nito ay ang yahoo o friendster. Huli, kailangang magsilbing brand o pagkakakilanlan ang iyong domain name. Kailangang may dating, may kakaiba, at may lutong.
Matapos kang makapag-desisyon sa pangalan ng iyong website, kailangan mong tignan kung may iba na bang nakaisip nito. Puntahan ang website na ito upang tignan kung maaari mo pang ma-angkin ang nasabing pangalan.
Kung walang ibang nagmamay-ari ng domain name, maaari mo na itong bilhin at ipa-rehistro sa iyong pangalan. Sabay nito, kailangan mo ng web hosting, o paglalagyan ng iyong mga files na nakakabit sa Internet. Ang pinakamadaling paraan ng pagre-register ng domain at pag-upa sa isang webhost ay sa Ploghost, kung saan ire-register nila ang domain name na napili mo sa iyong pangalan sa halagang P600, samantalang ang pinakamurang webhosting naman na ini-aalok rin nila ay makukuha mo sa halagang P75 sa isang buwan. Mura lang hindi ba? Wala pa iyang P2000 sa isang taon, kumpara sa P200,000 maaari mong kitain sa isang buwan lamang. Pumunta lang sa kanilang website, sundan ang paraan ng pagbili, magbayad sa bangko, at padadalhan ka nila ng account information patungkol sa website mo.
- Server Name at IP Address
- Cpanel username at password
- FTP server, username at password
Kung ang nais mong website ay kagaya ng paborito mong blog, marahil tumatakbo sila gamit ang Wordpress, na maaari mong tignan bilang software na nagpapadali sa pagb-blog. Libreng nada-download ang Wordpress engine. Pumunta lamang sa kanilang website at i-download mula dito ang pinakabagong version. I-unzip ang file na iyong mada-download, at i-save sa madaling makitang parte ng iyong computer gaya ng Desktop. Tapos sundan lamang ang mga steps sa baba sa pag-setup ng inyong blog.
- Mag-download at mag-install ng FTP client para sa paglalagay ng files sa inyong webhost. Pwede mong gamitin ang SmartFTP.
- Patakbuhin o i-run ang FTP client. Mag-login sa iyong FTP server. Ang impormasyong ito ay ibinigay sa iyo ng Ploghost o ng sino mang hosting company na binilhan mo ng domain at hosting.
- Kopyahin o i-upload ang laman ng Wordpress engine na folder na na-download mo kanina sa public_html folder ng iyong web files gamit ang FTP client.
- Maglog-in sa iyong Cpanel gamit ang Internet Explorer. Ang mga impormasyon tungkol sa iyong Cpanel ay manggagaling din sa Ploghost.
- Gumawa ng bagong SQL database at kaakibat nitong user. Siguraduhing bigyan ng ALL PRIVILEGES access ang user sa naturang database.
- Bumalik sa Wordpress engine na nasa iyong Desktop. Palitan ang pangalan ng wp-config-sample.php ng wp-config.php. Buksan ito gamit ang Notepad. Ilagay dito ang mga impormasyon ng ginawa mong database, user, at password. I-upload ang bagong file sa public_html na folder ng iyong web host.
- Puntahan ang iyong website. Punan ang mga impormasyon, at ibigay ang iyong totoong e-mail. Bibigyan ka nito ng password para sa admin account ng iyong blog.
- Mag-login gamit ang admin at ang password. Ang susunod na pahina ay ang Wordpress Dashboard. I-familiarize ang sarili sa lahat ng button dito. Kung may napipisil kang baguhin, wag mag-atubili at baguhin. Tignan ang pagbabagong ginawa mo sa iyong website pamamagitan ng View Site na link. Iyon ang makikita ng ibang bibisita ng iyong blog.
Tapos na. Madali lang hindi ba? Kung may tanong kayo, paki-iwan na lang sa Comments section ng artikulong ito.
Technorati Tags: mag setup ng blog






another question sir, kailangan po ba dito ng knowledge sa html? etc.?
July 16th, 2008